Pamimigay ng Pera ng mga Kandidato sa mga Sinalanta ng kalamidad, Hindi Labag

WALANG PAGLABAG sa Election Law ang pamimigay ng pera ng ilang lokal na kandidato sa mga biktima ng sunog, bagyo at iba pang kalamidad.

Sa isang pahayag, sinabi ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes na hindi pa naman nagsisimula ang panahon ng kampanya para sa mga tumatakbong gobernador, alkalde at sa iba pang lokal na posisyon.

Pero simula sa Marso 29, kakailanganin nang dumaan sa iba’t ibang ahensiya ang mga donasyon nito, tulad ng kailangan nang gawin ngayon ng mga kandidato sa pagka-senador.

Ayon pa kay Brillantes, kung personal na magbibigay ng donasyon ang mga ganap nang kandidato para sa eleksyon sa Mayo ay maituturing na itong pa-ngangampanya.

Samantala, una nang namigay ng pera at pagkain si Mayor Alfredo Lim sa mga nasunugan sa Tondo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.