Pamilyang Tulak, Tatay na Trigger Happy, Arestado

ARESTADO ANG isang pamilya na notoryus sa pagbebenta na iligal na droga sa Sitio Hanep, Lopez Jaena St., Brgy. Sto. Cristo, Baliuag, Bulacan. Kasama sa nahuli ang ama na mahilig umanong magpaputok ng baril tuwing lango sa Shabu.

Sa ulat ni Supt. Julius Caesar Domingo, hepe ng pulisya ng bayan ng Baliuag, kinilala ang  mga naaresto na si Rolando Alcantara, 47 anyos; ang kanyang asawa na si Amor Alcantara, 45; anak na si Romar, 27, may-asawa; mga pamangkin na sina Fernando Cruz Garcia; Manuel Garcia; Robledo Rubis; at Darwin Siket, pawang residente sa nabanggit na barangay.

Sa inisyal na imbistigasyon nina PO3 Maurice Cruz Jr. at PO3 Dante Castillo, isang tawag sa telepono ang tinanggap ng intelligence and investigation section ng Baliuag Police, kung saan isang Rolando Alcantara alias Boyet ang nagpaputok ng baril ng apat na beses paitaas na nagdulot ng takot sa mga tao sa nasabing lugar.

Nabatid sa ulat, madalas umano nitong ginagawa tuwing ba-ngag sa ipinagbabawal na droga, upang takutin ang mga kapit-bahay dahilan sa kanilang illigal na pagbebenta ng Shabu at pagmimintine ng “drug den”.

Nakumpiska sa pag-iingat ng matandang Alcantara ang limang pirasong plastic sachet na may lamang Shabu at isang baril na kalibre .22 Smith and Wesson Springfield na may 10 piraso nang bala.

Nakumpiska naman sa asawa nito ang dalawang plastic sachet na may lamang Shabu at tig-2 piraso naman ang nakuha sa anak nito.

Samantala detenido ngayon ang mga  suspek sa Baliuag Municipal Jail habang inihahanda ang mga kaukulang kaso.

 (TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.