Pamilyang Navoteño, Pinarangalang Huwarang Pamilyang Pilipino

 

MULING NAPILI sa ikalawang pagkakataon ang Navotas, na isang huwarang pamilya matapos parangalan ng Department Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang isang pamilya sa nasabing lungsod sa ginanap na Huwarang Pamilyang Pilipino bilang paggunita ng National Family Week nitong nakararaang araw ng Biyernes sa SM Mall of Asia, Pasay City.

Napili ang Pamilya Villanueva na si Manuelito Villanueva, bilang ama ng tahanan ng Brgy. Tanza Navotas City na may limang anak, mula sa 12 nominadong pamilya sa buong Kamaynilaan.

Ang nasabing programa ay isang bahagi ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps upang mapanatili ang kalagayan ng nabanggit na programa at maging aktibo ang mga miyembro sa kanilang lipunan.

Ang tanging ikina-bubuhay ng pamilya Villanueva ay ang pagiging mangingisda ni Manuelito habang ang asawa nito maliban sa pag-aalaga ng kanilang mga anak ay boluntaryo ring nagtuturo bilang guro sa Tulay ng Kabataan Foundation.

Makatatanggap ang pamilya ng P1,400 kada buwan para sa edukasyon at kabuhayan ng pamilya.

At ngayong araw ng Lunes Oktbre 1, bibigyan ng pagkilala ni Mayor John Rey Tiangco ang Pamilya Villanueva dahil sa pagpapahalagang ipinakita at bilang huwaran ng pamilyang Pilipino, na gaganapin sa Navotas City Hall Ground, ganap sa alas 8 ng umaga.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.