Pamilyadong gym trainor daw ang bagong dyowa
Cristine Reyes, other woman?!

GAANO KAYA katotoo ang nakarating na balita sa amin na hindi na naman daw nag-uusap ang magkapatid na Ara Mina at Cristine Reyes? Dahil ang bagong boyfriend daw ni Cristine ay ang gym trainor nito na may asawa at mga anak.

Nasulat na nang ilang beses na nakikitang sweet sa mga pagkakataon na nakikita raw na magkasama sa mga lakaran ang dalawa. Kung ang pagbabasehan daw ay ang kilos ni Cristine at ng kanyang gym trainor, maiisip mo raw na mukhang ito na nga ang ipinalit ng aktres sa dating boyfriend na si Rayver Cruz.

Kababati lang ilang buwan ang nakalilipas pagkatapos ng ilang taon ding itinakbo ng kanilang tampuhan, kung saan nadamay pa ang iba nilang mga kapatid, usap-usapan na hindi lang daw si Ara ang ‘di makatanggap sa balitang boyfriend ni Cristine kundi ang buo nilang pamilya.

Nawa’y kung may problema man ay maresolba na agad ito ng magkapatid, dahil alam ng lahat kung gaano kabigat nila ito dinala sa mga puso nila. Sa usaping pag-ibig naman, nawa’y maisip ni Cristine na hindi sa lahat ng pagkakataon ay hindi puso ang sinusunod kundi dapat ay isip din, lalo’t kung alam mo kung may pamilya kang maaaring masira at masaktan.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

16 thoughts on “Pamilyadong gym trainor daw ang bagong dyowa
Cristine Reyes, other woman?!

  1. i saw them the other day sa may alabang town center! porke ba kasama sila na??? di ba pwedeng friends muna? and the hell puro daw at raw puro haka haka at nilalagyan ng kulay ang mga aksyon ni AA mas madumi pa nga itsura nitong melbang to! sakit sa mata ng malaking nose at bangs!!!! kakasira ng araw

  2. TSIK TSIK,,,HINDI KO ALAM KUNG MAAAWA AKO O MAGAGALIT SA …HITAD NA ITO,,,,,MGA PULITIKO NGA ..PINAPATULAN NITO EH,,,,,,,,PASAWAY TALAGA ANG BABAENG ITO,,,,,,,GRABEE KA CRISTINE,,MARAMI,,NA AKONG NARIRINIG SA PINAG GAGAWA MO….HE HE

Leave a Reply

Your email address will not be published.