Pamilyadong aktor, nabidyuhang nakikipaglaplapan sa ibang girl sa isang resto?!

 

MAY NAGPE-FACEBOOK MESSAGE sa amin. Gusto niya kaming tsismisan. Kasi raw, ‘yung brother niya ay dating waiter sa isang resto sa ground floor sa isang Ortigas mall.
Binanggit naman ang resto, pero hindi na namin binanggit dito, dahil baka ma-obvious naman. Anyway, ang resto na ito ay puntahan ng mga celebrities, dahil sosyal itong resto na ito at very intimate ang dating ‘pag gusto n’yong makipag-date.
According to my source, meron daw parang mezzanine doon kung saan ‘pag ang isang aktor ay pupunta sa resto ay understood nang sa mezzanine ang tungo nito.
Lalo na kung may kasamang babae.
Yes, at least, hindi siya bading, ‘no! Oo naman, kahit kelan naman hindi natsismis na bading ito. Lalo na ngayon na ilan na ba ang anak niya at kilala siya ng mga tao na “family man” talaga.
Pero ayon sa nag-FB message sa amin, 5 years ago ay nakunan daw ng brother niya ito thru celfone video.  Nakikipaglaplapan daw ito sa isang babae.
Sabi namin sa kanya, “Asan na ang video? Patingin para makita ko kung siya nga ang nakikipaglaplapan.”
Hawak daw ng kuya niya at sisimplehan pa raw niya para ipuslit ito o kopyahin. “‘Yun pong may-ari ng resto, kabilin-bilinan sa lahat ng waiters and staff, ‘wag maingay at wala silang nakita.
“So ano po ang ibig sabihin no’n? Nambababae po siya?”
Actually, sa totoo lang, kung alam namin ang background ng aktor. Nu’ng kabataan talaga niya, mahilig talaga siya sa babae. Pero ngayon, hindi na.
Talagang straight na ang buhay nito. Kaya inulit namin sa nag-FB sa amin na, “Saka lang ako maniniwala ‘pag nai-produce mo na ‘yung video!”
Kaya hindi muna kami magbibigay ng clue sa pagkakataong ito. Malay naman natin kung kamukha lang ng aktor ‘yon, ‘di ba?
Abangan….

(By Ogie Diaz)

loading...

11 thoughts on “Pamilyadong aktor, nabidyuhang nakikipaglaplapan sa ibang girl sa isang resto?!

  1. baka naman si victor wood yan! tpos yung girl si madam auring, ksi pamilyado n si victor wood tpos mahilig sa babae yan nung kabataan nya ahahaha!!

  2. Kung si Aga Muhlach talaga ito, bakit pa ba ito si Aga naghanap pa, ang ganda at bait at class ni Charlene Gonzales. Ano pa ba ang hinahanap ni Aga, baka Aga is oozzing with sex cravings.

  3. sus ginoo pati ba nmn c pidol cnama sa blind item eh uugod ugod na yung matanda. spare him na lng. but i guess this BI is talking about Jay Manalo. 

  4. si aga mulach po ata un, may nakikita kami dati na may kasamang babae si aga mulach na kamukha ni angel locsin, pero 2006 or 2007 pa ata un.

  5. Si aga mulach po un! Itanong Kahit itanong  niyo sa mga  staff  florabel kilala un, sabi nga nila may video daw un,

  6. JOHN ESTRADA? diba 5 years ago may scandal sila ni GRETCHEN BARRETO? ung pic nila na naghahalikan sila..well guess lang naman..

Leave a Reply

Your email address will not be published.