Pamilya, tinapat na raw ng mga doktor Dolphy, may taning na ang buhay?!

OLA CHIKKA NOW na! Oh, no… oh, yes… now na! Maloloka ka talaga sa Earth to the maximum authority of chikka ng yours truly… at more chikka more fun na naman tayo.

Naku, kumustahin naman natin ang nag-iisang Megastar at talaga palang confirm na confirm nang mag-oober da bakod na siya… At take note kahit si Judy Ann Santos na isa sa mga itinuturing na very close kay Sharon ay nagbigay rin ng opinion kay Megastar.

“Hindi ko pa rin talaga alam kung ano talaga ang nangyari? Pero kung ano man ang desisyon ni Ate Sharon, full support naman ako sa kanya, basta kung saan siya maligaya at kung saan siya aalagaan nang husto, doon ako.”

Balita kasi na wala nang project si Sharon sa ABS-CBN at hindi na siya sumisipot  kahit pinapatawag siya para gumawa ng X-mas Station ID. At balita nga na sa darating na Jan. 6 sa mismong b-day ni Ate Shawie, may nilulutong malaking concert ang TV5 sa Smart Araneta Coliseum na pag-aari ni MVP… nakakaloka, ‘di ba?

 

AT HETO NAMAN ang matagal na talagang isyu at nakakalungkot kung iisipin mo. Dahil ang pamilya ni Tito Dolphy ay tinapat na raw ng mga doktor na hindi na magtatagal ang buhay. Hanggang ngayon ay nasa ICU pa rin si Tito Dolphy.

Nag-iiyakan na raw ang mga anak ni Tito Dolphy lalo na si Vandolph na malapit talaga sa kanyang ama na kahit nagkahiwalay ito at ang kanyang ina na si Alma Moreno.

Ipanalangin na lang natin na magtagal pa si Dolphy na tanging Diyos lang ang nakakaalam, pero kung talagang may taning na ang buhay niya, mas makabubuti siguro, kesa makikita nating nahihirapan pa siya… nakakalungkot naman.

Get well soon, Tito Dolphy.

 

BLIND  ITEM: MALOLOKA ka talaga sa Earth lalo na kapag nahulaan mo kung sino itong may edad na na male singer na matagal nang adik. Naku ‘te, at dapat nang iparehab!

Naku, nakakaloka… maliban kay Richard Merck, dapat din daw magpa-rehab ang magaling na singer-performer. Kasi matagal na rin itong lulong sa masamang bisyo.

Dalangin ng kanyang mga kaibigan na huwag na siyang maglakad mag-isa sa Luneta, lalo na kapag walang datung… Pak!

 

KUNG NABITIN KAYO sa ating mga chikka ay maaari n’yo kaming su-baybayan sa DWSS 1494 khz sa programang “Ola Chikka Now Na!” with Lady Camille mula Lunes hanggang Biyernes, 11:30 a.m – 12:00 nn, at tuwing Linggo sa DZRH 666 khz, “Sa Totoong-totoo lang, ‘Yun na!”, 2:30 – 3:30 p.m.  This is your Tita Swarding saying… God bless us all! Pak!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

One thought on “Pamilya, tinapat na raw ng mga doktor Dolphy, may taning na ang buhay?!

  1. Sana hindi rin magkagulo ang pamilya ni Dolphy dahil sa pamana sakaling aalis na itong is Doiphy. Yong pamilya nila Genelyn, ang gulo dahil sa pera at pamana. Dysfunctional kids courtesy from Genelyn, parang walang mga guidance yong mga anak ni Genelyn At ang taba pa ni Genelyn, parang may time pa itong kumain pero walang time mag guide sa kanyang 9 na anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published.