Pamilya sa Gensan, Niratrat; 2 Sugatan

GENERAL SANTOS CITY – Dalawa ang sugatan matapos na pagbabarilin ang walong miyembro ng pamilya sa lungsod sakay ng isang tupdown kamakailan.

Batay sa nakalap na report ng pulisya, ang nasugatan ay kinilalang sina Angelito Batan, 35, isang confidential agent ng Joint Task Force-Gensan at nakatira sa Barangay Katangawan at Sherilyn Cercardo, 37, taga Malaybalay, lalawigan ng Bukidnon.

Sakay umano ang mga biktima kasama ang anim pang miyembro ng pamilya sa motorsiklo na may sidecar mula sa sentrong bahagi ng Gensan at pauwi na sa kanilang lugar nang bigla silang paulanan ng bala ng baril ng dalawang suspek sa panulukan ng Del Carmen St., at NLSA Road, Lagao.

Suwerte namang hindi nadamay sa pamamaril ang 11-buwang sanggol pa lamang na kasama ng mga biktima.

Patuloy pang sinisiyasat ng mga kinauukulan sa Lagao kung ano ang motibo sa naturang insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.