Pamilya sa CamSur, Pinagtataga Dahil sa Kulam

NAGA CITY – AWAY sa pinutol na puno ng saging ang pinag-ugatan nang pananaga sa isang mag-anak ng suspek na si Guilberto Espina sa Sitio Cagapuan, Barangay Cambalidio bayan ng Libmanan sa lalawigan ng Camarines Sur.

Batay sa pahayag ni Libmanan Mayor Marilyn Jimenez, sinabi nito na armado ng itak nang salakayin ng nag-iisang suspek ang mga tulog na biktima.

Kinilala ng alkalde ang mga biktima ng pamilya Bacares na sina Zaldy, nagtamo ng sugat sa kanyang kamay at tagiliran, habang apat na tama sa tagiliran at tiyan ang tinamo ng asawa nitong si Maricel, 37, at dalawang tama sa katawan ang inabot ni Liezel, 11.

Ang mga biktima ay nanatili sa Bicol Medical Center at isinasailalim sa obserbasyon ng mga doktor.

Nagsimula umano ang alitan ng dalawang pamilya nang walang paalam na mamutol ng puno ng saging ang anak ni Zaldy sa lupaing pagmamay-ari ng pamilya Bacares.

Nagawan naman ng paraan ng barangay chairman na pagbatiin ang mga ito subalit nang magkasakit umano si Gilberto ay nagpagamot ito sa albularyo.

Sinabi ng albularyo na may taong galit at naiinggit sa kanya kung kaya’t siya ay ipinakulam kaya ito ay nagkaroon ng karamdaman.

Doon muling nabuhay ang galit ng suspek sa pamilya Bacares na nagresulta sa pananaga habang natutulog ang buong pamilya.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Pamilya sa CamSur, Pinagtataga Dahil sa Kulam

Leave a Reply

Your email address will not be published.