Pamilya, Niratrat; 2 Patay, 1 Sugatan

WALA PANG maituturo na mga salarin ang pulisya kung sino ang responsable sa pagbaril sa isang pamilya sa Tapon, Glan, Sarangani province kung saan dalawa ang patay at isa ang sugatan.

Kinilala ni SPO2 Marjun Basyo, imbestigador ng Glan PNP, ang mga nasawi na sina Ceriaco Koot, 61, na nagtamo ng sugat sa dibdib at si Rene Galop, 14, na may sugat din sa dibdib.

Habang ang sugatan ay si Gilbert Koot na ginagamot ngayon sa General Santos City Hospital.

Nangyari ang insidente noong isang gabi habang kumakain ng hapunan ang mga ito nang barilin ng mga suspek.

Sinasabing ipinalusot umano sa bintana ang .45 na pistola ng mga salarin nang binaril ang mga biktima.

Sa ngayon, inaalam pa rin ng pulisya kung ano ang motibo at sino ang responsable sa nasabing pangyayari.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.