Pamilya ni Cunanan, hina-harass

KINUMPIRMA NG abogado ni dating Technology Resource Center (TRC) head Dennis Cunanan na nakakatanggap ng pangha-harass ang pamilya ng kaniyang kliyente.

Sinabi ni Atty. Odessa Bernardo na nakakatanggap ng mga tawag ang mga anak ni Cunanan mula sa mga hindi kilalang indibidwal.

Pilit umanong inaalam ang kinaroroonan ng PDAF scam witness ngunit hindi naman ito nagpapakilala.

Apela naman ng kampo ni Cunanan na huwag na sanang idamay ang mga inosenteng personalidad sa isyu ng PDAF scandal at iba pang kontrobersiya.

Matatandaan na ang dating TRC head ay nasa provisional stage bilang witness sa pork barrel fund scam cases na nakabinbin sa Office of the Ombudsman.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.