Pamilya Ligot, umalma sa akusasyon ng DoJ

 

MARIING KINONTRA NG kampo ni dating Armed Forces of the Philippine (AFP) comptroller Gen. Jacinto Ligot ang akusasyon ng Department of Justice (DoJ) na iniwasan nila ang Warrant of Arrest na inilabas ng Court of Tax Appeals (CTA) kaugnay ng kasong Tax Evasion.

Una rito ay sinabi ni Justice Sec. Leila de Lima, maaari pa ring makasuhan ng hiwalay na reklamo si Ligot kasama ang asawa dahil sa tangkang umiwas sa pagkakaaresto.

Hindi umiiwas sa pagkakaaresto ang mag-asawa. Sa hali,p hindi umano alam ng mga ito na may Warrant of Arrest na sila sa korte, ayon kay Atty. Emiliano Bantog, abogado ng mag-asawang Ligot.

Sinabi ni Bantog na nitong long weekend lamang nalaman ng mga Ligot na sila ay may warrant mula sa CTA habang nasa bakasyon.

Binigyang-diin naman ng pamilya Ligot na handa nilang harapin ang kaso at wala silang balak na tumakas sa labas ng bansa lalo’t kabilang ito sa kundisyon ng paglagak ng piyansa sa CTA na bawal ang mangibang-bansa.

Una nang naiulat na nagtago ang mga Ligot simula noong Biyernes matapos ipag-utos ng CTA ang pag-aresto sa mga ito dahil sa hindi pagbabayad ng buwis na umaabot sa P153 milyon. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.