Pamilya Gutierrez, all-out ang suporta kay Richard

Richard Gutierrez

SA TOTOO LANG, naaaliw ako sa Pamilya Gutierrez noong panahon na fan ako ng show nila na It Takes Gutz to be A Gutierrez sa E Channel.

 

Very Tita Ababelle Rama ang content ng show na ako mismo, naging instant fan ng palabas ng pamilya.

May kanya-kanyang tutoong karakter sila. Aliw ako sa palagiang pagtatalo ng mag-inang Tita A at Ruffa Gutierrez over the latter’s love life. Sa edad ng celebrity host-endorser na may dalawa nang nagdadalagang mga anak, ang ina ay nakikialam pa rin sa lovelife at buhay ni Ruffa. 

Aliw ako kay Tita. Nanay na Nanay. Kung ano siya sa show na ‘yun, siyang-siya yun.
 
Kaya nga sa pagbabalik ng anak na si Richard Gutierrez sa telebisyon via La Luna Sangre na mapapaanood na simula mamayang gabi sa Kapamilya Network, ang Pamilya Gutierrez ay all-out sa kani-kanilang mga social media accounts in promoting Richard and the show.
 

La Luna Sangre Loveteams: KathNiel and ChardGel

Sa 3rd franchise ng kuwento tungkol sa mga werewolves at vampires (Lobo at Imortal yong dalawang nauna); Richard plays the Sandrino, ang bampira na anak ni Magnus played  by Jake Roxas.

 
Kung maaalala pa ninyo, dati na nalink-si Richard kay Angel Locsin noon as his ka-loveteam in 2004 sa GMA Kapuso Network nang magsama sila sa pantaserye na  Mulawin. Sa bagong serye ay muli magkasama ang dalawa.
 
Sa social media posting ni Ruffa Gutierrez, mensahe niya: “Please support my brother Chard,” na ang tinutukoy ang bagong serye ng nakakabatang kapatid.

Reyted K
By RK VillaCorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.