Pamilya Ella, Nakatanggap ng Pagbabanta

NAKATANGGAP NG pagbabanta sa kanilang buhay ang pamilya ng 7 taong na batang nasawi noong Bagong Taon na tinamaan ng ligaw na bala mula sa baril na kalibre 45 sa Barangay 185, Malaria, Caloocan City.

Ayon kay Marvin Ella, tiyuhin ng biktimang si  Stephanie Nicole Ella, Linggo ng gabi nang may dalawang lalaki ang bu-

maba sa kanilang motorsiklo at dumiretso sa lamay ng kanyang pamangkin.

Bago umano umalis ay sinabihan sila ng isa sa mga lalaki na mag-ingat saka sumakay sa kani-kanilang motorsiklo na walang mga plaka.

Dahil sa natanggap na pagbabanta ay umapela sa pulisya ang Pamilya Ella na bigyan sila ng proteksyon para sa kani-lang seguridad.

Samantala muling nanawagan ang ama ni Nicole na si Jay sa kanyang mga kapit-bahay na tumulong at  huwag matakot na tumestigo para malutas ang kaso ng kanyang anak.

“Sa mga kapit-bahay namin, huwag silang matakot magbigay ng impormasyon, impormasyon lang ang kai-langan namin at kaila-ngan ng mga pulis para maresolba ang kaso ng aking anak, malaking tulong ‘yan para kay Nicole,” ani Jay.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.