PAMI, aaksiyunan ang reklamo laban kay Chin Chin Gutierrez! – Gorgy’s Park

NAGKAROON NG STORY conference the other day ang bagong project na muling pagtatambalan nina Aljur Abrenica at Kris Bernal sa GMA Telebabad.

This time, isang fantaserye naman na ang title ay The Last Prince. Hindi pa tiyak kung ito na talaga ang title pero obvious na si Aljur ang bida rito.

Okay lang naman ito kay Kris dahil maganda rin daw ang role niya at nakikita naman sa kuwento na silang dalawa ang lulutang at hindi lang si Aljur.

Anyway, kasama rin sa bagong fantaserye si Eula Valdez na may mahalagang papel na gagampanan.

Sa naturang story conference ay nakapanayam ng Startalk si Eula at inamin nitong matagal na silang hiwalay ng asawa niyang naka-base sa Australia.

Matagal na naming naririnig ang tungkol sa tunay na kalagayan ng kanilang relasyon pero iniiwasan ito ni Eula na pag-usapan.

[ad#post-ad-box]

Ngayon lang siya umamin dahil marami na kasi ang nakakikita sa kanya na may iba na siyang karelasyon na isang guwapong modelo, si Rocky Salumbides.

Bago pa si Rocky ay na-link din si Eula sa hunk model/actor na si Lauren Novero pero itinanggi ito ng aktres.

Ngayon lang siya umamin kay Rocky dahil marami na ang nakakita sa sweetness nila at isinama pa niya ito sa huling stageplay na ginawa niya, ang Flores Para Los Muertos.

Happy naman daw siya ngayon sa bagong karelasyon niya pero nilinaw nitong nanatiling magkaibigan sila ng dati niyang asawa kahit na hindi umubra ang long distance love affair nila.

Sabi kasi, kaya raw ito hiniwalayan ni Eula, e, dahil may pagkabading daw itong asawa niya pero agad naman niya itong idinenay.

Sa ngayon ay masaya raw siya sa lovelife niya pero wala pa raw sa isip niyang mag-asawa muli.

BALAK NA NGAYON ni Manay Lolit na magsampa ng reklamo sa kanilang asosasyon ng mga talent managers na PAMI dahil sa ginawa ni Chin Chin Gutierrez sa kanyang alagang si Lorna Tolentino.

Ayaw nang magsalita ni LT tungkol sa nangyaring pananakit sa kanya ni Chin Chin, nang ginawa nitong totoo ang kanilang away sa isang eksena sa Dahil May Isang Ikaw.

Ang gusto lang nitong idiin ay ang propesyunalismo sa kanilang trabaho. Kung gagawin mo ang isang fight scene, dapat na maging maingat ka na hindi makasakit nang husto sa kaeksena mo.

Napanood namin ang eksenang ‘yun na umere na nu’ng nakaraang Lunes at kitang-kita naman ang malaking singsing na suot ni Chin-Chin na lumagapak nang malakas sa mukha ni LT.

Pagkatapos ng eksena ay sinabihan talaga siya ni LT ng, “Tinira mo ang mukha ko!” Kaya naman hindi agad nakapag-sorry si Chin Chin ay dahil guilty siya sa ginawa niya.

Kitang-kita rin ang mahabang galos sa pisngi ni LT sanhi nang pagkalmot ng mahabang kuko ni Chin Chin. Muntik ding tumama ang malaking singsing na suot nito sa mata ni LT kaya sabi nga ni Manay Lolit, paano kung tumama ito sa mata at nabulag pa si LT? Paano pananagutan ni Chin Chin ang ganu’ng pangyayari ? Obvious namang gusto lang niyang manapaw ng eksena.

Ngayon ay balak ni Manay Lolit na ituloy ang pagrereklamo sa PAMI para hindi na raw ito maulit sa iba pa niyang alaga at siyempre, sa lahat ng artistang posibleng dumaan sa ganu’ng klaseng karanasan.

Mukhang aaksiyunan naman ito ng PAMI, kaya abangan na lang natin.

By Gorgy’s Park

loading...

23 thoughts on “PAMI, aaksiyunan ang reklamo laban kay Chin Chin Gutierrez! – Gorgy’s Park

  1. Wala nang malaking kita si Lolit Solis. Pati si Vicki Belo na hinuhuthutan niya, nagsawa na rin. Ngayon naman, kailangan niynang makisawsaw sa LT at Chin Chin issue para may makapansin sa kanya. Hindi kaya blackmail lang ito kay Chin para hindi ituloy ang kaso ? Lolit Solis, mahiya hiya ka naman. Ang tapang nang apog mo.

  2. kawawa naman si chin chin walang makinarya para ipagtanggol sya nagagamit sya ng husto para lang sumikat uli yang bombas star na si lorna. ang award sa pilipinas na mga best actress na yan nahaharbat yan ni lolit pero ang maging cover at awardee ng TIMES MAG. ay hindi isa lang naman si chin chin. malayo ang comparison ni chin chin kay lorna at least may nagagawa si chin chin sa environment, si lorna ano? ang gumawa ng gimmik dahil wala nang bibili kung mag poise uli sa mga mumurahing tabloid at magazine na naka bomba. he he he

    • gusto lang kasi ni lorna na tratuhin siyang parang kristal sa kahit fight scenes kasi feeling niya napakalaki niyang artista. gusto niya pakaingatan siya at ituring na megastar siya sa bawat eksena niya. ginalingan lang siguro ni chinchin ang acting niya na siguradong binigyan naman ng go signal na gawing makatotohanan ang eksena. ito namang si feeling icon na lorna gusto niya pangilagan siya kasi sayang naman ang nabiling grandslam kuno.
      bakit kasi kinuha kuha iyan ng ABS CBN? pinagtiyagaan lang iyan na pulutin ng GMA dahil naubusan na sila ng artista eh. walang wala na iyan sa sirkulasyon ng pulutin ng GMA. lorna mag-retire ka na. iyong akting mo walang kadating dating.

    • kawawa naman to palagay ko tong nilalang nato eh si rosanna roces, namamalimos sa mga revilla, kaya’t kung anu-anong pinagsasabi, o baka katulong to ni chin chin gutierez

    • Inggit lang si lolit kaya ganyan baduy kasi siya. Hindi ko pa nakita na naka sapatos yan sa startalk. akala mo ay nasa sala lang siya ng bahay niya, lol!

  3. bakit naman ibi-build up si JC de vera? para magmalaki yung money-ger niyang monster mom? saka masyado maarte sa role si jc..akala mo kung sino na…dapat magdevelope ng homegrown talent ang gma…di yung mga lumipat sa kanila galing sa ibang network…paekstra-ekstra lang s apinanggalingan taz paglipat sa gma gusto bida lahat ng roles…haaaayyy

  4. Naalala ko lang ‘yong kina Sam at Bea,nasira ata ang ear drum ni Sam dahil sa sampal ni Bea..wala namang isyu ‘yon…sana maayos nila at huwag pa-uto si Ms.LT sa manager niya…

  5. kagagawan na naman ito ni Lolit para siraan ang teleserye ng Dos, syempre palalabasin na gimmick ng ABS ang mga nangyari, dahil umaariba sa ratings at commercial loads. ngayon tuloy nalilito ang mga tao kung ano ba talaga ang totoo.
    kesyo patayin na lang daw ang character ni LT, feeling naman nya mangyayari yon at alam nya rin na hindi pwedeng basta na lang patayin si LT sa serye. pwes dahil sa sobrang ganda ng DMII ay mas lalong tututukan ito ng mga viewers kapamilya man o Kapuso.

    it only proves na hindi pa rin nagbabago sa buhay itong Lolita na ito, hihintayin pa ba nyang makulong sya o may mangyari sa kanyang masama bago nya ma realize na Hindi pera ang nagpapatakbo ng mundo??????

    puro kasi harbat ang alam kaya pag sinampalan na ng pera, lahat ay hahamakin at lahat ay gagawin kahit mali for the love of MONEY…..

  6. OA naman ni lolit, parang she’s back in her old habit!

    aljur and kris? GIVE UP ALREADY, YOU’RE BOTH SCREWED!

    sayang kay eula, nang lumipat sa gma nalaos na! wala nang sense ang mga pinaggagagawa, wala nang tatak ang mga characters nya!

  7. huwaaaaaaaaatttttttt? walang kadala dala ang GMA ah, ipagpo-produce pa si Aljur at Tweety Bird ng fantaserye? OMG, para mas makatulong kayo, idonate nalang yang maliit na budget na yan sa mga nasalanta ng bagyo kesa sayangin sa mga walang K na starlets!

    • Hintayin nalang natin si LT and Chin Chin mag explain sa Dah Buzz this coming Sunday. I am sure palalakihin at i-blow out of proportion ni Tetay ‘yan…as always, as expected.

  8. wala maharbat si lolita kay chin chin kya ganyan…at please lng….masyado kc nasasapawan ni chin chin si lorna sa mga scene kya chorva si lolita

  9. Ay naku bobita solis, ikaw yata ang putak ng putak sa isyu ah, wa ka na ba datung day hahahaha, bakit ng sinamampal ni LT si gabby malapit sa tenga na pwede rin makacause ng pagkabingi, nagdemanda ba ang manager ni gabby, oi bobita manahimik ka na lang noh, mukahang pera ka talaga, PWE!

  10. nakay lorna naman yan para matapos na kaya lang dahil nga hindi na mabenta ang pag bibilad nya ng katawan sa mga bangketa nuon sa mga pahina ng mga tiktik at kung ano anong mumurahing magazine kailangang mag resort sya ng panibagong gimmik. kawawa nga lang si Chin Chin dahil sya ang natapakan.

    ayaw pala ng medyo reakistic eh bakit tinanggap ang role. wala na kasing nagbabasa sa mga kagimikan tungkol sa asawang namatay kaya ayun ibang gimmik naman.

  11. AKALA KO BA GUSTO NILA NG MAKATOTOHANANG MGA EKSENA NOW MAGREREKLAMO?MINSAN NAMAN SIGURO NADADALA SA EKSENA ANG MGA ACTOR TO BE REALISTIC ON CAMERA.AT WAG NA SI LORNA MAGPA-PRIMADONNA.NAG SORRY NAMAN ATA SI CHIN2X,IF AYAW NILA TANGGAPIN ANG SORRY EH DI WAG.AT SI LOLIT NAGHAHANAP NA NAMAN YAN NG MAPAGPEPERAHAN.MUKHA KC NAKATATAK SA NOO NIYA SI MELCHORA AQUINO!BWISIT NA ISYU ALA KWENTA!TRASH!!!

    • ito naman si lolit, akala mo eh siya ung nasaktan kung makapag-react kundi pa siya HARBATERA. buti pa chinchin eh ibigay mo na lang kay lolit ung suot-suot mong singsing dahil mukhang kursunada niya, lol!

Leave a Reply

Your email address will not be published.