Pamela Ortiz, pinagbintangang gumigimik

NAGPAPASALAMAT NAMAN AKO dahil nagkaroon ako ng pagkakataon na hawakan ang showbiz career ni Kris Aquino kaya nakilala ko ang dating Pangulong Cory Aquino.

Hawak ko noon si Kris nu’ng panahong medyo magulo ang buhay niya nang ipagbuntis niya si Joshua.

Doon ko nakilala kung gaano kadakilang ina si Tita Cory at kung paano niya na-handle ang situwasyong ‘yun na isa sa malaking isyung pinag-usapan kay Tetay.

Doon ko nakita na lahat ay iniaasa ni Tita Cory sa dasal. May times na papasok siya sa kuwarto ni Kris may dalang prayer na bigay ng kaibigan niyang pari at meron pa siyang mga sina-suggest na spiritual counseling para kay Kris.

Marami akong ‘di makakalimutang alaala kay Tita Cory na nagpakita ng katatagan at madasaling ina.

Naging mapalad tayo at naging bahagi ng buhay natin si Tita Cory. Sana patuloy natin siyang dakilain at ipagdasal na maipagtuloy ni Tita Cory ang sinimulan niyang adhikain sa ating bansa.

GUEST NAMIN SI Pamela Ortiz sa Startalk nu’ng nakaraang Sabado para linawin ang kumalat na isyung patay na raw ito, na apat na araw na raw itong natagpuang patay na sa likod sa bahay niya sa San Fernando, Pampanga.

Naloka si Pamela dahil nasa Bicol siya noon at napanood niya mismo nang ibinalita ni Jobert Sucaldito na nangyari raw kay Pamela.

Ngayon, pagkatapos lumabas ni Pamela sa Startalk, may mga ilan pang tumitira sa kanya na kesyo gumigimik lang daw itong dating sexy star.

Nasaktan naman si Pamela dahil nanahimik siya sa Bicol at wala naman daw siyang balak na mag-artista pa uli, pagkatapos, pagbibintangan siyang gumigimik.

Hindi naman siya nagpasimula ng balitang ‘yan at lalo namang hindi niya maisip na gumimik na patay na siya.

Unfair naman daw ito sa kanya na pagbintangan pa siya ng ganu’n. Sabi nga niya sa isang reporter namin, siya ang biktima rito kaya huwag naman daw siyang pagbintangan ng ganu’n.

Kaya lumabas siya sa Startalk ay dahil gusto lang niyang linawin, kasi may konting negosyo siya na maaaring maapektuhan kung paniniwalaan ng mga kausap niyang patay na siya.

MAMAYANG GABI NA ang press launch ni Marian Rivera bilang bagong Darna at medyo kabado na ito pero mas excited siya, dahil ngayon pa lang marami na ang nagsasabing bumagay sa kanya ang role na ito.

Marami ang nagsasabing dito sa Darna makababawi ang primetime telebabad ng GMA-7 kaya lalong na-pressure tuloy si Marian dahil malaki ang expectations sa bagong fantaserye niya.

Mukhang patalbugan sa kaseksihan ang mga karakter dito sa Darna dahil bukod sa sexy ang Darna costume ni Marian, ayaw ring paawat sa kaseksihan ang ibang villainess gaya ng Babaeng Lawin, Babaeng Linta, Babaeng Tuod, Impakta at siyempre si Iwa Moto bilang Valentina.

Naku! Dapat na bonggadera talaga ito at kailangang masubaybayan ng mga manonood.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

2 thoughts on “Pamela Ortiz, pinagbintangang gumigimik

  1. so gumigimik lang din pala si Jobert SAKALdito? atat na atat kasi ibalita sa The Buzz!

    hirap na ngayon makakuha ng mataas na ratings ang 2 malaking networks dahil umaarangkada ang TV5.

  2. Sige, patalbugan nang kaseksihan. Pagmasdan si Marian sa issue #114, Clickadora, picture # 3. Seksing seksi talaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published.