Pamela Ortiz, buhay pa! by Lolit Solis

HANGGANG NGAYON, NAGING mahinahon pa rin ang Mommy ni Lovi Poe sa mga pinaggagawa ni Rosanna Roces sa young actress.

Ewan ko ba! Ang sabi ng ibang staff ng Lipgloss, iiwasan na raw nilang magtagpo ang dalawa sa taping, pero meron hindi naman nasunod.

Mabuti na lang nung nagparinig itong laos na bold star na ito kay Lovi, sumagot na ang huli kaya kung uulitin pa niya iyan, baka hindi na makapagpigil ang ina nito, susugurin na siya diyan.

“My Mom kasi, she’s just telling me,“ just don’t mind her because if she does something to you, you know that there are people around who could defend you”. Ako kasi, ayoko na lang, kasi it’s not worth it,” medyo irita pa ring pahayag ni Lovi.

Hindi na nga raw nila pinag-uusapan ito ni Jolo Revilla dahil sayang lang ang oras nila.

Kahit si Bong ayaw na ring patulan iyun dahil totoo nga naman, hindi na siya kapatul-patol. Ako na lang yata ang pumapatol sa babaeng ito.

Sabi na pa ni Lovi, “Ipagdarasal ko siya sa Dad ko.”

Wala na ngang panahon si Lovi na patulan ang babaeng ito dahil marami naman siyang ginagawa ngayon.

Patapos na yata siya diyan sa Lipgloss ng TV 5, dahil meron na siyang bagong programa sa GMA 7. Kasali siya sa bagong sitcom na Show Me the Manny nina Manny Pacquiao at Marian Rivera.

KAWAWA NAMAN PALA itong dating sexy star na si Pamela Ortiz dahil

ibinalita ba naman siya sa The Buzz na patay na raw ito.

Ang sabi pa ni Jobert Sucaldito sa The Buzz, natagpuang apat na araw na patay na raw itong si Pamela sa likod ng bahay niya sa San Fernando, Pampanga.

Naloka si Pamela nu’ng napanood niya iyun sa The Buzz. Ang panget daw ang pakiramdam niya na pinapanood niya sa TV at binabalitang patay na ito.

Kinabukasan, tumawag ito sa isang staff ng Startalk para humingi ng tulong na kung puwede klaruhin naman niya sa TV na hindi totoo ang balita at buhay na buhay siya.

May mga transaksyon daw si Pamela na mga raket nito na baka maudlot dahil baka isipin daw ng mga kausap niya, patay na ito.

Abangan nyo na lang sa Startalk, dahil live guest namin si Pamela para i-korek ang maling balitang iyun.

Ipinarating na nga ng staff namin kay Jobert na mali ang ibinalita nitong patay na si Pamela kaya tinawagan niya ito at humingi naman daw siya ng paumanhin.

Hindi pa kinukumpirma ng GMA- 7 na si Rhian Ramos na nga ang ka-partner ni Diingdong Dantes sa Stairway to Heaven. Pero may mga nagkumpirmang siya na nga raw at ewan ko kung kuning-kuning o drama na lang nila iyang magkakaroon pa raw ng audition.

Hindi naman makapag-comment si Rhian tungkol diyan dahil hindi pa nga naman siya sinasabihan. Kahit si Dingdong ganu’n din. Pero siguro bagay naman sila kaya tingnan na lang natin dahil maganda pa naman ang kuwento ng Stairway to Heaven na iniyak-iyakan ko nang bonggang-bongga.

Wala nga raw babaguhin ang GMA- 7 sa kuwento nito dahil maganda naman talaga. Pero iba pa rin ang dating at siguro lalong maka-relate ang mga manonood dahil sina Dingdong at baka si Rhian na nga ang gaganap na bida.

Wait na lang natin mga bakla!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

7 thoughts on “Pamela Ortiz, buhay pa! by Lolit Solis

  1. oo nga! bongga nga ang clevege kahit la boobs pero lalim ng clevege huh! madyo straight na english nya dati kasi halatang trying hard. good for her at naiintindihan nya ang pinag aaralan nya.

  2. ilang beses ko nakita si lovi poe kasi nag sho shoting cla sa opis namin. kay payat kaya nagulat kami ngayon na pag naka tube ang boobs eh lumaki wonder bra ba gamit nya? watever. simple lang tsura nya di pangit d rin maganda maitim at parang laging malungkot ang boses, and take note makapal ang make-up esp the foundation sa face kc ang dami nya tag yawat na maliliit. tahimik lang sya most of the time pag gusto ng janitor at janitress pa pic sa kanya join naman sya yun nga lang halatang pag nag thank you cla hilaw ang smile nya cguro pagod ang lola!

  3. itong lovi poe ubod nga kaartihan, magkamukha kasi cla ni KC concepcion. puro sya may dad…. recognized ba sya ni FPJ? just asking

    • actually di siya maarte, pero parang sobrang suplada siya. or shall i say, she’s kind of snobbish. she’s very elegant and articulate though. she strikes me as a wide reader. parang di siya bagay mag-artista though she’s a very fine actress. siguro she shld work instead as a broadcaster when she finishes school or maybe concentrate on singing. but i admire her grace. mukha lang talagang ma-ere siya, parang si nikki gil. maybe bec they’re both smarter than the rest of the actresses around.

  4. mas lalong wag si jennylyn mercado at sunshine dizon yung una nanay talaga yung isa mukhang nanay na. wish namin si roxanne ginuo sana if pwede sya mag audition sa gma7 dat if thruth yung audition u know how powerful si rhian ramos

Leave a Reply

Your email address will not be published.