Pambubugaw ng OFWs, Itinanggi ng POLO-Amman officer

NAGSALITA NA ang isa sa mga opisyal ng Pilipinas sa ibang bansa kaugnay ng umano’y pagkakasangkot sa pambubugaw ng mga overseas Filipino worker (OFW).

Pinabulaanan ni Philippine Overseas Labor Office (POLO)-Amman, Jordan officer Mario Antonio ang isiniwalat ni Representative Walden Bello na ibinubugaw niya ang mga kababayang Pinay na may problema sa amo at trabaho.

Hinala niya, kagagawan lamang ito ng recruitment agencies para makabawi sa mga katulad aniyang opisyal na ipinaglalaban ang karapatan ng mga OFW.

Ayon kay Antonio, karaniwan aniyang patakaran ng mga ahensya ang magpapasok ng mga dayuhang trabahador sa Jordan kahit ipinagbabawal upang kumita.

Pinatotohanan ni Antonio na inirekomenda ng gobyerno ng Jordan na siya’y pabalikin ng Pilipinas kasunod ng pag-usbong ng isyu.

Samantala, iginiit naman ni Antonio na handa siyang humarap sa pagsisiyasat  para pabulaanan ang mga akusasyon laban sa kanya, pero nangangamba siyang panghinaan ng loob ang ibang katrabaho sa Jordan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.