Pambili ng gamot inagaw sa school principal

LABIS NA panlulumo ang naramdaman ng isang school principal makaraang holdapin ng dalawang lalaki matapos mag-withdraw para sana bumili ng gamot sa Digos City, Davao del Sur.

Kinilala ang biktimang si Josepina Cadungog, 62 anyos at  school principal ng San Jose Elementary School.

Ayon sa imbestigasyon ng  Digos City PNP, matapos makakuha ng pera galing sa Automated Teller Machine (ATM), naglakad ang biktima patungo sana sa pharmacy para bumili ng gamot nang harangin ng dalawang lalaki at tinutukan ng baril.

Walang nagawa ang biktima at ibinigay sa mga holdaper ang pera na nagkakahalaga ng P18,000 at tinangay rin ang mamahaling kwintas na nagkakahalaga ng P20,000 at relo.

Mahigit P40,000 ang natangay ng mga salarin na agad tumakas matapos makuha ang pakay.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.