Pambili ng bigas, ibinili ng alak
Lasenggang Misis, Sinakal Ni Mister

KAMATAYAN ANG hinatol ng isang mister sa kanyang lasenggang misis makaraang ibili ng alak ang pambili sana nila ng pagkain sa bayan ng San Carlos, Negros Occidental.

Sa record ng San Carlos Municipal, kinilala ang biktimang si Fiona Pasi, 37-anyos, residente sa nasabing lugar.

Arestado naman ang suspek na si Julio Mahinay, 42-anyos, magsasaka at residente rin sa lugar.

Ayon kay PO3 Maritess Duhon, officer-on-case, labis na ikinagalit ni Mahinay nang umuwi siyang walang pagkain habang natulog NAng gutom ang kanilang tatlong anak.

Nang hanapin sa loob ng bahay ang kanyang misis ay wala ito at nasa kapitbahay na lasing na at tuloy pa rin sa pag-inom.

Dito ay sinita ni Mahinay ang biktima kung bakit hindi nagluto gayong nag-iwan naman siya ng P500 para pambili ng pagkain.

Iginiit umano ni Fiona na pinambayad niya sa utang ang pera hanggang sa matigil na ang kanilang pag-aaway.

Gayunman, inihatid lamang ni Mahinay ang misis at uminom din ito ng ilang bote ng beer.

Nang umuwi at nakitang tulog na ang misis ay sinakal niya ito hanggang mamatay.

(EUNICE CALMA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.