Pambata?

0916914xxxx – Idol, gusto ko pong magpatulong sa inyo kasi ay hinuli ako ng isang traffic enforcer sa Pasay, nag-swerving daw ako. Kinausap niya ako at sinabing two thousand pesos ang violation ko. Tinanong niya ako kung magkano daw ang kaya kong ibigay sa kanya, nang maglabas ako ng fifty pesos ay nagalit siya sa akin, sinabi niyang ginagawa ko raw siyang bata kaya tinuluyan niya na akong tiketan.

0932725xxxx – Idol Raffy, irereklamo ko lang po ang traffic enforcer sa tapat ng city hall ng Maynila sa pagitan ng SM Manila sa ilalim ng LRT, grabe mangotong sa mga truck drivers na nagde-deliver sa SM sa tapat ng city hall pa naman.

0916772xxxx – Sir Raffy, isusumbong ko lang po iyong isang mobile ng pulis na may body number 132, Napakalakas mangotong sa may C-5, Libis. Lagi nilang pinapara ang mga truck. Iyong pulis na si Carlos ang madalas na sakay niyan. Sana po ay maaksyunan n’yo. Salamat.

09178805xxxx – Magandang araw, Sir Raffy. Irereklamo ko lang po ang pangongotong ng mga traffic enforcer dito sa may C-3, Bonifacio. Sana ay matingnan ninyo ang ginagawa ng mga tiwaling iyan. Salamat po.

09107578xxxx – Mr. Tulfo, gusto ko po humingi ng tulong sa inyo tungkol sa kaso ng anak ko kasi wala na po akong alam na ibang malalapitan na tutulong sa amin. Pinalo ang ulo ng anak ko ng bote. Iyong pumalo po sa kanya ay may kaya ang pamilya. Wala na po akong mapagkatiwalaang iba kasi sinubukan ko na pong lumapit sa pulis ngunit sinigawan lang kami at hindi tinulungan.

0920246xxxx – Isa po akong concerned citizen dito sa Makati, mayroon po kasing dalawang menor de edad na pinatay ng pulis-Maynila, Station 6. Naaawa po ako dahil mahirap na nga po sila ay inaapi pa sila. Iyong mga kamag-anak po ay handang magbigay ng salaysay sa inyo at mayroon din pong testigo laban sa mga pulis. Sana po ay matulungan ninyo sila. Salamat po.

0905322xxxx – Sir, idudulog ko lamang po sa inyo ang aking problema. Mangyari po ay sinuntok ako bago tinutukan ng baril ng isang konsehal sa Imus, Cavite. Sana po ay matulungan ninyo ako dahil tinatakot po nila ako. Salamat po.

0926692xxxx – Sir Raffy, isusumbong ko lang po sa inyo iyong mga guard dito sa The Fort, Taguig dahil sobrang takaw sa lisensiya, malaki siguro ang komisyon nila. Para silang mga leon na manghuhuli ng makakain. Sobrang abusado at napakagaspang pa ng pag-uugali. Sana po ay makalampag ninyo ang pamunuan ng The Fort ukol sa mga abusado nilang guwardiya. Salamat po.

0916715xxxx – Sir, ire-report ko lang po sa inyo ang paaralan ng aking anak, itong Bacoor National High School Annex. Sobra-sobra po kasi ang paniningil nila. Year book P200 at graduation fee P400. – Concerned parent

Ang WSR ay napapakinggan sa 92.3 FM, Radyo5, Lunes-Biyernes, 2-4 pm. Ito ay kasabay ring mapapanood sa Aksyon TV sa Channel 41, Channel 7 sa Destiny Cable, at Channel 1 naman sa Cignal.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.