Pambabraso ng Tsina, Pinakokondena sa US Senate

PORMAL NANG naghain ng resolusyon ang ilang US senators para kondenahin ang umano’y pambabraso ng Tsina para igiit ang pang-aangkin nito ng teritoryo sa West Philippine Sea at East China Sea.

Base sa Senate Resolutuon 167 na inihain nina US Senate Committee on Foreign Relations chairman Robert Menendrez (Democrat, New Jersey), Marco Antonio Rubio (Republican, Florida) at Ben Cardin (Democrat, Maryland), tinukoy ng mga mambabatas ang anila’y marahas na aksyon ng Tsina laban sa ibang claimant states.

Kabilang umano rito ang pagputol ng Chinese vessels sa seismic survey cables ng isang Vietnamese oil exploration ship noong May 2011; pagbarikada ng Chinese vessels sa Scarborough Reef lagoon noong April 2012; pag-isyu ng China ng bagong official kung saan nakapaloob ang kinukuwestyong “9-dash line’’ at ang pananatili ng Chinese naval at marine surveillance ships sa bahagi ng northwest Palawan.

Sa naturang resolusyon, hinimok ng mga senador ang US Senate na kundinahin ang paggamit ng China ng “coercion, threats or force” para igiit ang posisyon nito.

Hinimok din ng mga mambabatas ang lahat ng claimant-states na pairalin ang “self-restraint” para maiwasang lumala pa ang tensyon.

Una rito, sa kanyang mensahe kasabay ng pagdiriwang ng ika-115 Araw ng Kalayaan sa Liwasang Bonifacio, Maynila, inihayag ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III na hindi titiklop ang bansa para ipagtanggol ang teri-

toryo at maiwagayway nang buong laya ang bandila ng bansa.

Sinabi ng Pangulo na wala namang ibang hinihingi ang Pilipinas kundi ang igalang ng ibang bansa ang sariling soberenya, territoryo at pagkatao tulad ng ating pagtrato sa kanila.

Nilinaw rin naman ng Pangulo Aquino na wala sa lahi ng mga Pilipino ang pagiging agresibo at hindi magpapadalus-dalus sa mga hakbang.

Samantala, kailangan daw ang masusi at mahinahong pagpaplano upang maisaalang-alang ang mil-yong kababayang madadamay kung magkamali ng desisyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.