Pamangkin ni Misuari, iba pa, suko na

SUMURENDER NA sa sobrang gutom ang pamangkin ni Nur Misuari at iba pang Moro National Liberation Front (MNLF) sa patuloy na sagupaan sa Zamboanga City kamakailan.

Kinumpirma naman ni Lt. Col. Harold Cabunoc, Commander ng 7th Civil Relations Group (CRG) ng AFP, ang pagbubuwis ng buhay ng isang sundalo, dalawang pulis at apat na tauhan ng MNLF sa Brgy. Sta. Barbara, Zamboanga City sa isinagawang rescue mission na nagresulta sa pagkakaligtas ng anim na bihag.

Base sa hiwalay na paha¬yag, sinabi naman ni DILG Secretary Mar Roxas na kabilang sa MNLF na napasakamay na ng tropa ng gobyerno si Enir Misuari.

Isinuko din ng mga sumukong MNLF ang 23 matataas na kalibre ng armas na wala ng mga bala.

Tinatayang lima hanggang 10 na lamang ang mga bihag ng grupo ni MNLF Commander Habier Malik na nagmamatigas pa ring sumuko.

Ayon kay Cabunoc, nasa 14 na ang namatay sa AFP at lima sa PNP.

Samantala, nasa 110 MNLF ang nasawi, 89 ang su¬muko at 129 ang nadakip habang 12 sibilyan naman ang namatay at 51 ang nasugatan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.