Pamangkin ni Kap, pinagputol-putol

PINAGPUTOL-PUTOL ANG KATAWAN ng pamangkin ng  barangay chairman bago ikinalat sa dalawang lugar sa Valenzuela City kahapon umaga.

Nakilala ang biktima na si Julius Caco, nasa hustong gulang at pamangkin ni Nicodemu Caco, chairman ng Brgy. Karuhatan ng lungsod.

Sa ulat, alas-3 ng umaga nang makita ang mga paa at kamay ng biktima na nakasilid sa sako sa Arbour Town Subd., General T. de Leon ng lungsod.

Kasunod namang natagpuan ang katawan ng biktima na nakasilid din sa sako sa Fortune Village, General T. De Leon, habang ilang metro lang ang pinagtapunan sa ulo.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.