Pamangkin ni Ampatuan Sr., Dinedo sa Bar

DEAD ON the spot ang pamangkin ni dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr., makaraang pagbabarilin ng isang hindi nakikilalang lalaki sa harap ng karaoke bar sa bayan ng Ampatuan, Maguindanao.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang nasawi na si Norton Ampatuan, 38-anyos at

residente ng Brgy. Kauran.

Ayon sa mga nakasaksi, kalalabas lamang ng nasabing establisyimento ang biktima nang harangin ng isang grupo saka sunud-sunod na pinagbabaril si Ampatuan sa dibdib.

Sugatan naman ang isang kasama ni Ampatuan na mabilis na itinakbo sa ospital.

Hinala ng awtoridad, kaalitan ni Norton ang pumaslang sa kanya habang patuloy ang im-bestigasyon sa nasabing pamamaslang.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.