Pamangkin ng Mayor, Dawit sa Pagpatay sa Pulis

LAOAG CITY – ISANG pamangkin ni Piddig Mayor Eddie Guillen ang idinadawit sa brutal na pagpatay sa isang pulis at nagsisilbing security escort ng naturang alkalde.

Nagkaroon ng commotion sa birthday party ng biyenan ni Mayor Guillen na kinasangkutan umano ng pamangkin ng alkalde na nagngangalang Lester at ng biktima na si PO1 Jaymartz Paragoy, ayon kay S/Supt. Marlou Chan, PNP provincial director ng Ilocos Norte.

Binaril si Paragoy habang nasa daan pauwi ng hindi nakilalang suspek. Matapos umanong barilin ay sinagasaan pa ang naturang biktima na ikinadurog ng kanang braso nito.

Nalulungkot naman si Mayor Guillen sa nangyari sa kanyang security escort at nangako na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Paragoy.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa matukoy kung ang pamangkin ng nasabing mayor ang suspek sa naganap na insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.