Pamangkin, Hinalay ng Tiyo

KULONG ANG isang tiyuhin matapos halayin ang pamangkin na ginamit pa ang dahilan na walang signal ang una upang makapasok sa kuwarto ng huli sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Nahaharap sa kasong Rape in relation to Child Abuse si Jayson Padua, 20, ng Baltazar St., 5th Avenue ng lungsod.

Sa ulat, dakong ala-1 ng hapon, pinuntuhan ng suspek ang pamangkin na dalagita sa inuupahang kuwarto sa 6th Avenue ng lungsod.

Nagdahilan pa ang suspek na walang signal ang kanyang cellphone at nakiusap na makapasok ng bahay dahil nasa ikalawang palapag ang inuupahang kuwarto ng biktima.

Pumayag naman ang biktima subalit habang nasa loob ay nilapitan ng suspek ang una sabay bulong na papatayin kapag hindi pumayag na maka-sex ang dalagita.

Sa takot ay hindi na nakapalag ang biktima hanggang sa mahalay at nang makaraos ang suspek ay muling binantaan na papatayin ang una kapag nagsumbong.

Nang makalma ang biktima ay nagpasyang magsumbong sa ina na naging dahilan upang samahan sa presinto at ipinadakip ang suspek.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.