Pamamahagi ng pera sa mahihirap, bubusisiin ng DSWD

Iimbestigahan ng Department of Social Welfare and Development ang mga iregularidad sa pamamahagi ng pondo sa mga mahihirap sa ilalim ng Cash Transfer Program ng gobyerno, ayon kay Secretary Corazon “Dinky” Soliman.

Batay sa pahayag ni Soliman, nakatatanggap sila ng mga reports kung saan ang ilan sa mga nakikinabang sa nasabing programa ay hindi qualified pero nakatatanggap ng pera.

Sa ilalim ng CTP, bawat pamilya ay karapat-dapat magkaroon ng mahigit P1,400 sa pagsusuri ng DSWD bilang bahagi ng pinakamahihirap na mamamayan sa pamamagitan ng national household targeting system.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.