Palutang-lutang sa dalampasigan Bangkay, Natagpuan Sa Olongapo

ISANG BANGKAY ang natagpuang palutang-lutang sa dalampasigan ng Baloy Beach sa lungsod ng Olongapo.

Narekober ng Philippine Coast Guard (PCG) ang bangkay matapos itawag ng isang Henry Bulatao, empleyado ng Johannes Beach Resort na siyang nakakita habang nagroronda sa dalampasigan sakay ng isang ferry boat.

Dahil sa agarang search and retrieval operation ng coast guard, natagpuan ang bangkay na kinilalang si Diego Valdez base sa ID nito.

Hindi pa mabatid ang dahilan ng pagkamatay ng nasabing biktima.

Sa ngayon, dinala na sa Olongapo City Police ang labi ni Valdez. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.