Palusot ng NPA sa Ambush Kontra Police Trainees, Ibinasura ng Malacañang

IBINASURA NG Palasyo ang “excuse” o palusot ng New People’s Army (NPA) sa ginawa nilang pananambang sa mga nagjo-jogging na police trainees sa Mountain Province kung saan isa ang nasawi habang marami pa ang nasugatan.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, hindi katanggap-tanggap ang palusot ng mga NPA dahil walang armas at nag-eehersisyo lamang ang mga trainees.

Sinabi ni Valte na sa pamilya na lamang ng napatay at mga nasugatan magpaliwanag ang mga rebelde.

Inihayag ni NPA Mountain Province Provincial Operations Command (Leonardo Pacsi Command) spokesman Magno Udyaw na fully-armed ang PNP troopers.

Samantala, sinabi ni Udyaw na kabilang sa 2nd Company ng Regional Public Safety Battalion ang na-ambush na grupo na ayon sa NPA ay isang special unit ng PNP na sinasanay para tutukan ang counter-insurgency at urban warfare tactics.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.