Palpak ang 40% imbestigador CIDG, kapos sa tauhan

INAMIN NI PNP-CRIMINAL Investigation and Detection Group (CIDG) Chief Supt. Samuel Pagdilao Jr. na kapos ang kanyang tauhan ng may 700.

Ang pag-amin ay kasunod ng pagbubulgar na 40% ng imbestigador ay sablay o hindi mapagkakatiwalaan dahil kulang ng kasanayan o training.

Ayon kay Pagdilao, ang kanilang puwersa ay umaabot lamang sa 1,221 na higit na maliit lamang upang matugunan ang pangangaila-ngan at matapos ang imbestigasyon sa mga high profile cases.

Alinsunod aniya sa General Appropriations Act, maaari silang kumuha ng 1,904 ngayong taon.

Inihayag ni Pagdilao na magpapatuloy ang kanilang pagsasanay sa mga tauhan upang maging eksperto sa lara-ngan ng imbestigasyon na unang tungkulin ng kani-lang yunit. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.