Palong-Palo sa My Neighbor’s Wife!

SANA SETYEMBRE NA! Bakit? Sa susunod na buwan na ipalalabas ang tinaguriang pinaka-kontrobersyal na pelikula ng taon. Ito ay ang My Neighbor’s Wife mula sa panulat at direksyon ni Jun Lana. Mukhang ganado ngayon si Mother Lily sa pagpoproduce ng sexy-drama films tulad lang noong araw, huh?! Magandang senyales naman ito para sa industriya ng pelikula dahil madadagdagan ng init at eskandalo sa sinehan. Ang My Neighbor’s Wife ay pinagbibidahan ng mga guwapong hunkable actors na sina Dennis Trillo at Jake Cuenca. Siguradong hindi ito palalampasin ng mga ateh nating girls at badets. Ang mga barako naman ay tiyak na maglalaway sa pagpapaseksi nina Lovi Poe at Carla Abellana. Suwerte lang natin dahil nabigyan tayo ng pagkakataon na masilip ang ilan sa mga wet and sexy scenes ng pelikula na kinunan sa Subic kamakailan lang. Init na init ka na ba? Halina’t mag-swimming sa pool with our award-winning stars! Hotness galore!

Photos and Text by Mica Rodriguez

Sugod Shooting
Pinoy Parazzi News Service

loading...

2 thoughts on “Palong-Palo sa My Neighbor’s Wife!

Leave a Reply

Your email address will not be published.