Paloma, umaming may sex video!

MUKHANG NAGKAKAROON NA nga ng tampuhan ngayon sa mga alaga ni Tito Douglas Quijano dahil ang latest na narinig namin, may nakuha na raw na manager si Wendell Ramos.

May lumabas na balitang kinuha na raw ni Wendell si Perry Lansigan para mag-manage sa kanya na ikinatampo raw ng kasamahan nito sa kuwadra ng namayapang talent manager. Ang una nga kasing usapan nila, sama-sama pa rin sila na magpapa-manage sa kung sino mang manager na mapipili nila.

Nang kinumpirma ko naman ito kay Perry, kaagad na itinanggi niya ito. Wala raw ganu’n at hindi pa nga raw nila ito pinag-uusapan.

Ayon sa kuwento ni Perry, pagkatapos mamatay ni Tito Dougs, nagkasalubong lang daw sila ni Wendell sa SOP at hiningi lang daw ang cellphone number niya.

Kinabukasan, nagkita na naman daw sila sa taping ng Bubble Gang, pero wala naman daw silang napag-usapan.

Pagkatapos nu’n, nag-text na raw si Wendell sa kanya ng “thank you for accepting me.”

Naloka si Perry dahil ano ang ibig sabihin nu’n? Kaya sinagot niya agad ito na kung sakaling nagpapa-manage ito sa kanya, mahabang pag-uusap raw ‘yun at depende pa raw ‘yun sa apat na lalaking alaga niya na sina Dingdong Dantes, Geoff Eigenmann, Gabby Eigenmann at Arthur Solinap.

Pero dahil napangunahan na ito ng ganu’ng isyu, mukhang hindi na i-entertain ni Perry ang ideyang iha-handle niya ito. Hindi naman daw niya kayang palitan si Tito Dougs, lalo na’t may naririnig siyang usapan ng mga alaga ng nasirang talent manager na dapat ay magsama-sama sila at walang maghihiwalay. Pero bakit ang bilis naman ni Wendell na makipaghiwalay? Kaya nagtatampo na raw ang ilang mga kapatid nito kay Tito Dougs.

Hindi ko pa nakakausap si Wendell kaya hindi ko pa siya nakunan ng pahayag para ipagtanggol ang kanyang sarili.

SA JULY 1 na pala ang showing nitong indie movie na Pitik Bulag nina Marco Alcaraz at ng bagong sex goddess na si Paloma. Itong si Paloma ay may sariling column sa FHM at isa nga raw itong sex therapist.

Nang magkaroon ng press preview itong Pitik Bulag sa Gateway nu’ng nakaraang Martes, kinunan namin si Paloma ng sarili niyang opinyon tungkol sa sex video scandal ni Dr. Hayden Kho.

“Wala namang masama sa sex video, pero sana kung gusto niyang gumawa ng ganu’n, dapat with consent din ng babaeng ka-partner niya. Eh, ako babae, magrereklamo rin ako dahil hindi naman tama na ibi-video ako nang hindi ipinagpaalam sa akin,” sagot ni Paloma.

Inamin ni Paloma na meron din siyang sex video pero hindi raw kay Dr. Hayden Kho. Sariling kopya lang daw niya ‘yun at hindi raw kakalat.

Si Marco naman, hindi gaanong makasagot sa tanong namin kung totoong nanliligaw ba ito kay Precious Lara Quigaman. Lumalabas daw sila minsan pero with friends at so far, wala pa naman daw nadi-develop sa kanila. Pero gustung-gusto raw niya ang pagiging humble ni Lara at napakabait daw nito, kaya sana maganda ang resulta ng panunuyo nito sa beauty-queen turned actress.

By: Gorgy’s Park

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.