Palito, malala na ang sakit!

OLA CHIKKA! YES na yes at muli na tayong magbalik sa ating hanapbuhay! ‘Eto na… akala ko ba bawal mangampanya nu’ng nakaraan Holy Week eh, parang ganu’n pa rin naman. Tahimik nga, pero ang mga sasakyan naman ay puro mukha ng kandidato. Ganu’n din, ‘di ba?

Tinatawagan ko ng pansin ang Comelec. Parang wala rin namang ipinagbago, pinatahimik lang. ‘Yun lang, buti sana kung may hitsura sila eh, withichels naman! ‘Yun na!

Ay, magbalik na nga tayo. Dahil Lunes naman ngayon, mukhang lahat yata ng mga tao ay nag-e-enjoy pa. Monday po ngayon, balik-hanapbuhay na tayo, huh!

Siyempre naman nu’ng nakaraang Holy Week, saan pa ba magdadagsaan ang mga tao? Saan pa eh, ‘di sa Boracay! Siyempre naman, nakita rin ng aking parazzi girl ang buong pamilya raw ni Sen. Bong Revilla ay nasa Bora. ‘Di ba, ang taraayyyyy? ‘Yun na!

AT ISA PA sa nakalulungkot para sa Lunes ay ang ating kasamahan sa hanapbuhay na si Palito. Bigyan naman natin ng pansin si Palito, dahil ililipat na pala siya sa PGH dahil sa kanyang karamdaman. At ang nakaalala nga lang sa kanya ay si Sen. Bong. Mabuti naman at nandiyan pa siya para tumulong. Parang siya na ngayon ang pumalit kay FPJ.

Siguro nga kung nabubuhay pa si FPJ, hindi niya ito pababayaan. Kaya ayun, kung naaalala n’yo pa si Palito, ‘yun na! Ililipat na nga po siya sa PGH.

AT SIYEMPRE NAMAN, nagpapasalamat ako sa pagtanggap sa amin sa Grotto Vista. Sobrang bait talaga ng mga tao. At sa aking kaibigang si Efren Bartolome, dapat s’ya na lang ang naging mayor diyan sa San Fernando, Bulacan. Kaya lang ayaw niya. Dahil sabi sa akin ng aking mga parazzi girls, mukhang win siya ‘pag tumakbo siya. ‘Di ba ang taray?! Kaya ang kanyang junakis na lang ang tumakbo bilang councilor, na super papable talaga – ang kanyang junior na si Efren Jr.

Doon kasi ako nagpalipas ng super hot naman talagang summer, ‘di ba? Kasama ko ang aking director at ang aking kaibigan na si Fanny Serrano sa pelikulang Tarima. ‘Yun na!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Yes na yes… fresh na fresh ang aking pitik-bulag na ito. Mahuhulaan n’yo kaya kung sino ‘to, dahil shoot na shoot sa banga? Ay, tama ba?

Well, kaya raw ito nagpakasal ay dahil juntis daw? Ano pa nga ba? May bago pa ba roon? Eh, nu’ng nakaraan lang ‘di ba, nakita ng aking parazzi girl na napaka-wild nitong merlat na ito dahil nakasama niya ito sa bar? Ay! Super pulupot siya sa jowa niya na akala mo naman ay aagawin! Ay, wit ‘noh!

Chapter naman kaya ng bf niya… ay asawa na pala dahil ikinasal na sila! Ang taraaayyy! Tapos nga, mano-knowing ko na ikinasal na siya. Ay, ang bilis naman nu’n. Ang wild talaga, ‘di ba?!

Mahulaan n’yo kaya ito? Gusto n’yo ba ng clue? Ang merlat na ititch ay ang dating Encantadia, at siya lang ang may name na araw. Well… sana, magtagal sila. Alam n’yo na ‘yun. ‘Yun na!

Para sa mas maiinit  pa na chika at makatotohanang balitaktakan pakinggan n’yo po kami sa DWBL 1242 khz kasama ang sosyalera kong co-host na si Michelle Junia every Monday to Friday mula 8 hanggang 9 ng umaga at sa RHTV / DZRH tuwing linggo 2:30 to 3:30 pm. This is your Tita Swarding saying thank you very much and God Bless!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

9 thoughts on “Palito, malala na ang sakit!

  1. swarding taha San Jose del Monte Bulacan si ka Efren hinde taga San Fernando.. nahahalata nag papalibre ka lang hehehe

  2. nung sinabi plang na kakasal lang at buntis alam ko na na si sunshine… blind item pa ba yan? MAS MALALA KA PA KAY PALITO EH SWARDING BUNGO!!

  3. blind item pa ba yan dapat pinangalanan na lang at saka sa kanya mismo nanggaling sa intriga crossfire sa showbiz central na hindi sya buntis na..eh di magmumukha syang sinungaling pag di totoo ang sinabi nya…wala namang masama kasi kasal na sya..buti pa si roxanne naging responsible sa consequense ng ginawa nya…di tulad ng iba ng todo deny para lang sa career…at iba pinalaglag pa

Leave a Reply

Your email address will not be published.