Pulandit: Paligsahan ng Katinuan

HABANG PALAPIT NANG palapit ang eleksiyon ay paparami naman nang parami ang mga naglulutangang problema.
Ang pinakaaabangang kauna-unahang automated elections sa tulong ng sinasabing modernong kagamitan ay dumaranas ng mga suliraning nangyayari panahon pa ng ating mga lolo’t lola!
Wala nang isang buwan ay idaraos na ang pambansang halalan, subalit pinagdedebatehan pa kung dapat magkaroon ng panibagong bidding sa pagbili ng indelible ink.

Kasi naman, sa pamamagitan lamang ng bleach ay madaling mabura sa hintuturo ang ink na binili ng Comelec sa supplier na lalong nagbibigay ng tiyansa para makakilos ang mga mandaraya sa eleksiyon.
Bago pa ang problema sa indelible ink, sumakit din ang ulo ni Comelec Chairman Jose Melo dahil ang precinct count optical scan o PCOS machine ay wala rin palang kapasidad na makabasa ng security markings sa mga naimprentang balota.
Dahil dito, kailangan pang bumili ang Comelec ng ultra violet lamps sa halagang twenty eight hanggang thirty million pesos para matiyak na ang balotang ipapasok sa PCOS machines ay hindi peke.
Sangkatutak na problema ang kinakaharap ng komisyon, bukod pa ang pagkakabisto sa super-duper mahal na ballot secrecy folder na nakansela rin ang kontrata dahil sa sinasabing anomalya.
Hay, naku! Mukhang makaaasa pa ba ang bayan na magaganap ang isang maayos at kapani-paniwalang eleksiyon kung halos isang dukwang na lang ay halalalan na, santambak pa rin ang problema?

HINDI NA PLATAPORMA de gobyerno ang ipinaglalaban ngayon ng mga nangunguna sa mga survey para sa nalalapit sa eleksiyon.
At lalong wala na ring kinalaman sa tagisan ng yaman nina presidential candidates Noynoy Aquino at Manny Villar ang panibagong anggulo ng kanilang tagisan.
Hamuman na ito kung sino ang may itinatagong sakit sa pag-iisip: si Noynoy ba o si Manny?

Gustong patunayan ni Villar na siya’y hindi siraulo at lalong walang anumang palatandaan na may tagas ang kanyang pag-iisip kaya hinahamon niya ngayon si Noynoy Aquino na sabay silang sumailalim sa psychiatric test.
Interesado ring malaman ni Villar kung totoo ang mga naglabasang balita na si Aquino ay gumagamit ng marijuana sa kanyang kabataan kaya isabay na rin daw ang drug test at iba pang medical examinations.

Sa pamamagitan ng ganitong pagsusuri, sinabi ni Villar na malalaman kung sino talaga sa kanila ni Noynoy ang may kapasidad na pamunuan ang bansa sa susunod na anim na taon.

Panalo ba ang bayan sa hamon na malaman kung sino sa mga kandidato ang tunay na may topak?
O baka naman isa lamang itong taktika para mas mapansin ang propaganda ni Villar tulad ng sinasabi ng kampo ng Liberal Party?

Pulandit
Allan Encarnacion

loading...

2 thoughts on “Pulandit: Paligsahan ng Katinuan

  1. Basahin nyo itong pahayag ni Senator Enrile tungkol sa balitang may tupak si NoyNoy Aquino. Gusto nyo ba’ng magkaroon tayo ng presidente na katulad ni Caligula?

    April 13, 2010
    Visited 8 times, 8 so far today
    under Balita
    Post Tags: Balita, Juan Ponce Enrile, news

    NARARAPAT LAMANG NA suriin ang pag-iisip ng isang kandidato, lalo na ang tumatakbo sa pagkapangulo, ang kundisyon nito sa kalusugan.

    Ito ang binigyang-diin ni Senate President Juan Ponce-Enrile, kaugnay ito sa kumakalat umanong pekeng psychiatric report laban kay Sen. Benigno “Noynoy Aquino III, na lumalabas na umano’y may problema sa pag-iisip.

    “That is fair game, dahil he’s going to be the president of the country. He has to make decisions. Eh, kung may topak? Pa’no ‘yun? Dapat na mentally at emotionally stable ang mga kumakandidato sa pagkapangulo,” diin ni Enrile.

    Sinabi pa ni Enrile na kung hindi nabibigyan ng kaukulang pagsusuri sa pag-iisip ang isang kandidato, maaring maging kagaya sila ni Roman Emperor Caligula na ginawa niyang consul ang kabayo niya.

  2. Mag-isip tayong mabuti sa pagpili ng magiging presidente natin. Kung dahil lang sa nakipagbreak yong girlriend ni Noynoy eh, nadepress na s’ya, papaano na kung maging presidente na sya? Makakaya ba nyang harapin ang mabibigat na problema? Nagpatingin sya sa psychiatrist noong 1996, nakakasiguro ba tayo na magaling na sya ngayon? Alalahanin natin na isang dahilan ng depression ay genetic, yong sinasabing nasa dugo. Mahirap gamutin ito. Babalik at babalik ito anumang oras na magkaproblema ng mabigat ang pasyente.

    Huwag tayong magpadala sa pag idolo sa isang tao. Presidene o mamumuno ng ating bansa ang hinahanap natin. Nakasalalay sa mga kamay n’ya ang ikabubuti o ikasasama ng ating bansa. Lawakan natin ang ating pagsaliksik at pag-unawa sa katotohan.

    NOYNOY AQUINO IS PSYCHOLOGICALLY AND MENTALLY INCAPABLE TO BECOME PRESIDENT OF OUR COUNTRY.

    IF HE IS MENTALLY INCAPABLE TO GOVERN, THEN WHO WILL DO IT ON HIS BEHALF? MAYBE KRIS AQUINO YAP, MAYBE THE COJUANGCO-AQUINO CLAN THAT ARE ALL CORRUPT, MAYBE THE MAKATI BUSINESS CLUB THAT ARE ALL CORRUPT, MAYBE THE BLACK AND WHITE MOVEMENT THAT ARE ALL TROUBLEMAKERS, MAYBE JOJO BINAY WHO IS ALSO CORRUPT.

    INVESTIGATE, INVESTIGATE, INVESTIGATE. THINK,THINK. THINK. DON’T LET YOUR VOTE ELECT AN IMBALANCE PRESIDENT.

    I am not endorsing any presidential candidate. It’s your responsibility to do the right thing for our country.

Leave a Reply

Your email address will not be published.