Palengkeng Nagbebenta ng Botcha, Bantay-Sarado

BANTAY-SARADO NA nang National Meat Inspection Service (NMIS) ang mga palengke ngayon laban sa pagbebenta ng hot meat at botcha ngayong darating na Kapaskuhan.

Ayon kay NMIS Director Minda Manantan, ilan sa mga palengke sa Maynila na kanilang binabantayan na talamak sa hot meat, mishandled meat at botcha ang Divisoria, Balintawak sa Quezon City at Pasay Market. Nagbababala rin ang mga awtoridad sa pagbili ng karne sa talipapa o sa mga karneng nasa bilao dahil maaaring hindi daw ito dumaan sa tamang pagsusuri.

Pinakalat na rin ng NMIS ang kanilang dagdag na meat inspectors sa mga palengke. Nakikipagtulungan din ang local government unit (LGU) sa pagsugpo sa kumakalat na hot meat at botcha.

Palantandaan ng botcha o double dead na karne ang nangingitim nitong laman o ang mapula at masangsang nitong amoy.

Noong huling linggo lamang ng Oktubre, nahuli ng mga awtoridad ang pagbebenta ng mishandled meat sa Bacoor, Cavite, Balin-tawak at Susano Market sa Quezon City.

Paalala pa ng NMIS, maaaring makulong at mawalan ng business permit ang mahuhuling nagbebenta ng hot meat at botcha.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.