PALEA, sumilong sa CA

DALA MARAHIL NG kawalang pag-asa mula sa anumang tanggapan ng ating pamahalaan bunsod ng matinding dagok na kanilang nararanasan mula sa Philippine Airlines o PAL na mistulang kinatigan pa ng Department of Labor, naisipan na ng mga empleyado ng  PAL na humingi ng ayuda mula sa Court of Appeals.

Ihahain sa Court of Appeals (CA) ng Philippine Airlines Employees Association (PALEA) ang usapin ng malawakang retrenchment sa Philippine Airlines (PAL) na nauna nang kinatigan ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz.

Sinabi ni PALEA National Secretary Bong Palad na umaasa ang grupo na pakikinggan ng korte ang kanilang mga hinaing dahil nakasentro lang umano sa pagbuwag sa labor union at pagsibak sa mga regular na empleyado ang outsourcing ng PAL.

Aniya, panimula pa lamang ang pagkilos na isinasagawa nila sa tanggapan ng Department of Labor and Employment (DoLE) kahapon at makakaasa umano ang pamahalaan at ang PAL management na hindi sila titigil,bagkus ay kanilang paiigtingin ang nasabing mga pagkilos sa darating pang mga araw. (Parazzi Reportorial Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.