Palasyo: Walang shoot-to-kill order kay Misuari

TUTOL ANG Palasyo na magpatupad ng shoot-to-kill order laban sa lider ng Moro National Liberation Front (MNLF) na si Nur Misuari.

Hindi pa rin mahanap ang nasabing lider ng mga rebelde na pinaniniwalaang pasimuno ng sagupaan sa Zamboanga City na ikinasawi ng mahigit 200.

“We do not certainly abide by the shoot on sight or ‘yung shoot-to-kill order. So I will leave the rest [of the plans] to the [Philippine National Police] on the ground,” ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte.

Kinumpirma rin ni Valte ang pagbabantay ng mga militar sa mga lugar na posibleng daanan ni Misuari paalis ng bansa sa posibleng planong pagtakas at pagpuntang muli sa Malaysia.

Samantala, maaalala na inanunsyo ng Malacañang ang pagtatapos ng krisis sa Zamboanga City bagama’t patuloy ang clearing operations ng kapulisan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.