Palasyo, Walang Paki sa Pagka-Casino ni LTO chief Torres

WALANG PLANO ang Palasyo na kastiguhin si Land Transportation Office (LTO) Chief Virginia Torres dahil sa kumalat na video ng umano’y pagsusugal sa isang casino.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na itinanggi na ni Torres na naglaro siya ng slot machine.

Ayon aniya sa LTO chief, nakipag-dinner siya sa kaibigan sa isang hotel at habang naghihintay ng bill ay natawag ang kanyang pansin ng ilaw sa slot machine.

Nilapitan ito ni Torres at binasa ang instructions pero hindi naglaro.

Matapos bayaran ang bill, umalis din aniya si Torres sa casino.

Lumalabas sa Memorandum Circular No. 8 ni dating Pangulong Gloria Arroyo bawal maglaro sa casino ang mga kawani at opisyal ng pamahalaan.

Samantala, ang natu-rang kautusan ay inilabas noong 2001 kasunod ng ulat na malimit sa mga casino ang ilang opisyal ng sundalo at mga awtoridad.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.