Palasyo: Walang Deployment Ban sa Algeria

KASALUKUYANG TINI-YAK ng Palasyo na hindi pababayaan ng pamahalaan ang mga OFWs mula Algeria.

Matatandaan na i-lang manggagawang Pilipino ang nakauwi na matapos maipit sa kaguluhan sa Algeria habang anim ang kumpirmadong nasawi at apat ang hinahanap pa.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, nariyan ang OWWA para magbigay ng assistance.

Sinabi pa ni Lacierda na maliban sa OWWA, nariyan din ang POEA na tutulong sa mga lehitimong overease contract workers.

Nilinaw rin ni Lacierda na sa kabila ng hostage crisis, hindi pa nagdedeklara ng deployment ban ang gobyerno sa Algeria.

“Well, the OWWA is there to provide assistance, as we have always (said, to take care of) our legitimate overseas contract workers. OWWA will be there, POEA will be there, DOLE will be there to provide assistance,” ani Lacieda.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.