Palasyo, todo-iwas sa dagdag-singil sa kuryente

DUMISTANSYA ANG Palasyo sa pag-apruba ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa pagtataas ng generation charges ng National Power Corporation (Napocor) sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Inaasahang sa buwan ng Mayo mararamdaman ang dagdag-singil sa kuryente, kung saan 69.04 centavos per kilowatt hour sa Luzon, 60.60 centavos sa Visayas at 4.42 centavos sa Mindanao.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na wala silang komento sa natu-rang desisyon ng ERC dahil hindi pa nila nababasa ang kautusan.

Mas mabuting pag-aralan muna ang detalye ng ERC decision bago magbigay ng anumang pahayag, ani Valte.

Maliban dito, patuloy rin sa pagtataas sa presyo ng produktong petrolyo at labis na umaaray ang mamamayan.

Hindi naman sila nagkukulang at ginagawa ang lahat para maibsan ang pasanin ng mga mamamayan, giit ng Palasyo.

“We have not seen the ERC decision yet. We will defer comment on the issue until we see the details and parameters of the decision,” dagdag pa ni Valte.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Palasyo, todo-iwas sa dagdag-singil sa kuryente

  1. I am also surprised with our electric bills recently.
    Its 1000php increase for our electric bill, this is not really good.
    When every salary isn’t increasing at all.

    Shin from mini skate 

Leave a Reply

Your email address will not be published.