Palasyo, Tikom ang Bibig sa Quezon Encounter

KASALUKUYANG DUMIS-TANSYA ang Palasyo sa gagawing pagsisiyasat kaugnay sa nangyaring engkuwentro sa Quezon.

Sa harap ito ng na-ging pahayag ng mga kaanak ng mga nasawi na “rubout” at hindi “shootout” ang nangyari, kasabay ng panawagang pumasok na ang NBI o DoJ sa imbestigasyon.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, wala muna silang komento habang umuusad ang pagsisiyasat.

Wala pa silang posisyon sa insidente hangga’t hindi nalilinawan ang tunay na pangyayari lalo pa’t sinasabing may kaugnayan ito sa onsehan sa jueteng operation, ani Valte.

Samantala, una nang sinabi ng Malacañang kamakalawa na lehitimong checkpoint ang ginawa ng mga operatiba dahil sa timbreng may malalakas na armas ang grupo ng mga nasawi.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.