Palasyo: Suspensyon ni Garcia, Dapat Noon pa

IGINIIT NG Palasyo na walang dapat pagdudahan sa timing ng pagpapatupad ng suspension order laban kay suspended Cebu Gov. Gwendolyn Garcia.

Nagkaroon kahapon ng oral argument sa petisyong inihain ni Garcia sa Court of Appeals (CA) na humihiling ng temporary restraining order (TRO) laban sa suspension order.

Ayon kay Cabinet Sec. Jose Rene Almendras, mas maaga sanang naipatupad ang kautusan kung hindi nangyari ang trahedyang kumitil sa buhay ni DILG Sec. Jesse Robredo.

Sinabi ni Almendras na matapos na masawi si Robredo, kinailangang pag-aralan muna ni bagong Interior Sec. Mar Roxas ang kaso bago naipatupad.

Kasabay nito, iginiit din ng opisyal na hindi ‘hip-shooter’ ang Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino at binubusisi muna ang isang utos o desisyon bago ipatupad.

Wala rin daw balak awayin ng Pangulo ang mga Cebuano na sumusuporta sa pamilya Aquino kahit noon pang panahon ni da-ting Pangulong Cory.

Samantala, nilinaw rin ni Almendras na wala siyang kinalaman sa suspension order na dahilan kaya naupo bilang acting governor ang kanyang kapatid na si Agnes Magpale.

Aniya, matagal na raw sa pulitika ang kanyang kapatid bago pa man siya maitalaga sa gabinete.

Hindi rin daw nakikialam ang opisyal sa pulitika lalo sa kalakaran sa Liberal Party (LP) ni Roxas dahil hindi naman siya miyembro.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.