Palasyo sa Taiwan: ‘Wag Idamay ang OFWs

NAKIKIUSAP ANG Malacañang sa mga mamamayan ng Taiwan na huwag sanang idamay ang mga manggagawang Pinoy.

Ito ay sa harap ng napabalitang pagmaltrato ng mga among Taiwanese sa mga OFWs dahil sa tensyon bunsod ng napatay na Taiwanese fisherman.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, wala namang kasalanan ang mga OFWs at maayos namang nagtatrabaho sa Taiwan.

Sinabi ni Lacierda na patuloy pa nilang bina-validate ang nasabing report ng pagmamaltrato sa ating mga kababayan.

Maaalala na pormal nang nag-apology ang Pangulong Benigno Aquino III sa Taiwan at ngayong araw makiki-pagkita si MECO chairman Amadeo Perez sa pamilya ng napatay na Taiwanese fisherman para makidalamhati at humingi ng paumanhin.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.