Palasyo: Relief goods Para sa mga Biktima ni Labuyo, Sapat

MAKAAASA UMANO ang mga biktima ng bagyong Labuyo na may sapat na relief goods na ipamamahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kabilang sa mga sinalanta ng naturang bagyo ang Aurora, ilang bayan sa Northern at Central Luzon.

Ayon kay Presidential Communication Operations Office (PCOO) Sec. Sonny Coloma, bago pa manalanta si Labuyo ay may nakahanda ng relief goods ang DSWD at may nakalaan ng pondo para sa pagdating ng kalamidad.

Sinabi ni kay Sec. Coloma na tinututukan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at ang mga lokal na sangay nito ang pagkalinga sa mga nasalanta ng bagyo.

Samantala, malugod rin aniyang tinatanggap ng Palasyo ang pagtulong ng mga civic groups at mga citizen volunteers.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.