Palasyo: P-Noy, ‘di bababa sa pwesto

Ipinahayag ni Presidential Communications Secretary Herminio Coloma noong Biyernes na malaki ang responsibilidad ng Pangulong Benigno Aquino sa naganap na trahedya sa mga turista ng Hong Kong noong Agosto 23 , ngunit pinangatawanan ni P-Noy na hindi ito bababa sa puwesto.

“He will not resign because he received a clear mandate… from more than 15 million Filipinos and he will serve this mandate. He will complete the six-year term as President,” ayon kay Coloma sa kanyang pahayag sa dzRB.

Patuloy pa rin ang paghahanap ng ibang masisisi sa nangyaring insidente kahit sa kabila nito’y nagdesisyon na ang Pangulong tanggapin lahat ng responsibilidad para sa ikatatahimik ng lahat.

Hindi na nagbigay pa ng bagong apology ang Philippine Government sa Hong Kong sa nangyaring trahedya dahil mismong si P-Noy na ang nagpahayag ng kanyang taos-pusong paghingi ng kapatawaran. Malugod namang tinanggap ito ni Hong Kong Chief Executive Donald Tsang, ayon pa kay Coloma.

“I personally saw the statement of Chief Executive Tsang. This was a video clip wherein he acknowledged that President Aquino called him up, offered apologies, and that he accepted the apology,” ani Coloma.

Sa mga lumalabas na report tungkol sa napipintong pamumuno ng Pangulo sa Philippine National Police (PNP), “The President has the power of control and supervision over all departments and agencies in the executive branch, including the PNP,” tugon ni Coloma.

“He is not bypassing or overriding the powers of the National Police Commission. When he said he is taking control of the PNP, it is within this context of the exercise of his Chief Executive power.”

Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.