Palasyo, OK sa Anti-Political Dynasty

SUPORTADO NG Malacañang ang pagpasa ng panukala na magbabawal sa political dynasty sa bansa.

Sang-ayon si Presidential Communications Operations Secretary Herminio Coloma Jr. sa nasabing panukalang na alisin ang political dynasty na isa sa mga repormang ikinampanya noong 1986 Edsa People Power revolution.

“The country has long been waiting for such reform, which started since the Edsa People Power Revolution that became the basis of the 1987 Constitution,” ayon kay Coloma

“The present administration abides by the principles and reforms of Edsa People Power.”

Inihayag di ni Coloma na nais nilang makita ang pinal na bersyon ng panukalang anti-dynasty law sa harap ng nagpapatuloy na mga debate sa Kongreso.

“We must listen to the voices of the lawmakers, who have also been elected by the people, and see the final shape of the anti-dynasty bill,” pahayag pa ni Coloma.

(PARAZZI REPOR-TORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.