Palasyo, nakahinga sa petisyon sa DAP

IKINATUWA NG Palasyo ang naging hakbang ng Supreme Court (SC) sa hindi pagpapalabas ng temporary restraining order (TRO) laban sa kontrobersiyal na Disbursement Acceleration Program (DAP).

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, maipagpapatuloy ng pamahalaan ang pagbibigay ng pondo para sa relief operations sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad, tulad ng Cebu at Bohol na niyanig ng malakas na lindol.

“That’s fortunate that there was no TRO that was issued against the DAP kasi may mga maaapektuhan talagang mga programa d’yan, at least as far as the Executive is concerned,” ani Valte.

Ipinagpaliban ng SC ang botohan sa isyu ng DAP noong Biyernes at itinakda ang oral argument sa petisyon sa pagpapalabas ng TRO sa DAP sa Nobyembre 11.

Sinabi ni Valte na nakahanda ang Ehekutibo na depensahan ang legalidad ng DAP.

“Handa tayo talagang ipagtanggol yung basehan ng Disbursement Acceleration Program,” ayon kay Valte.

Samantala, unang iginiit ng Malacañang na kung idedeklarang unconstitutional ng Korte Suprema ang DAP, wala nang magagamit ang pamahalaan para sa pondo sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.