Palasyo, Naisahan sa Pork Barrel Scam

NANINDIGAN ANG Pa-lasyo na hindi sisibakin ng Pangulong Noynoy Aquino III si Budget Secretary Florencio Abad sa kabila ng ulat ng Commission on Audit (CoA) na ilang pekeng non-government organizations ang nakalusot pa rin mula 2010.

Ilan sa mga NGOs na nagkamal pa rin sa administration ay pag-aari ni pork barrel scam mastermind Janet Lim-Napoles.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hindi kasalanan ng Department of Budget and Management (DBM) kung may nakalulusot pa rin hanggang ngayon.

Sinabi ni Lacierda na pinupulitika lamang ni United Nationalist Alliance (UNA) secretary general Toby Tiangco ang pork barrel issue kaya pinatatanggal si Abad.

Iginiit ni Lacierda na pagpasok ng administrasyon, inaayos na nila ang sistema at kung may nakalulusot, nabubulgar naman at dapat managot ang mga sangkot na mambabatas kahit pa kaalyado ng Palasyo.

Ayon pa rin kay Tiangco, sa pagitan ng 2010 at 2012, kalahating bilyong pisong pork barrel ang nai-release sa fake NGOs sa pamamagitan ng Philippine Forest Corporation, National Agribusiness Corporation, Department of Agriculture at Department of Environment of Natural Resources.

Samantala, ang foundations at corporations sa ilalim ni Napoles ay tumanggap ng nasa P1 bilyon mula 2010 hanggang 2012 sa kabila ng sinasabing reporma sa PDAF release.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.