Palasyo, Nabitin sa Speech ni JPE

NAKULANGAN ANG Palasyo sa ginawang privilege speech ni Senador Juan Ponce Enrile kamakailan.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Sonny Coloma na ito ay dahil hindi tinalakay ni Enrile ang pagkakasangkot sa P10 bilyong Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel scam.

Marami pa naman aniya ang nag-abang sa paliwanag nito lalo’t iniuugnay siya sa tinaguriang utak ng nasabing scam na si Janet Lim-Napoles at binansagan pang mastermind ni Sen. Miriam Defensor-Santiago.

Lumalabas sa naging talumpati ng mambabatas, gumanti lang ito sa mga banat ng senadora at itinangging may kinalaman siya sa scam pero hindi na nagbigay ng paliwanag.

“I am aware that the public has been waiting for me to speak up on this matter but for now, suffice it to say, that there will be a time and more auspicious appropriate forum to deal in detail with the alleged PDAF scam,” pahayag ni JPE sa isyu.

Samantala, nirerespeto naman ng Malacañang ang desisyon ni Enrile na ipagpaliban ang pagdepensa sa anomalya kung saan kinasuhan na siya ng Plunder.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.