Palasyo, mas ‘concern’ sa basura sa INC rally

 

PATULOY NA dumidistansiya ang administrasyong Aquino sa nalalapit na “grand rally” ng religious group na Iglesia Ni Cristo (INC) sa Pebrero 28, bilang pagsuporta umano kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Tumanggi ring magkomento si deputy presidential spokesperson Abigail Valte sa ulat na walang balak ang Catholic charismatic group na El Shaddai na sumama sa naturang selebrasyon.

Bagama’t nagpahayag ang grupong El Shaddai na hindi sila sasama sa nasabing rally bilang isang buong grupo, bukas naman sa mga miyembro nito ang pagsali. Nagpahayag din ang grupo ni Bro. Mike Velarde na magsasagawa rin sila ng kaparehas na rally sa mga susunod na araw.

Kumakalat naman sa internet ang ulat na posibleng maganap ang pagkansela ng mga telecommunications company ng signal sa Luneta sa araw ng grand rally, tulad nang naganap noon sa Pista ng Nazareno. Na mabilis ding pinabulaanan ng Palasyo.

Una na ring sinabi ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III na wala naman siyang ginawang masama para mabahala sa nabanggit na salo-salo ng maimplu-wensiyang INC.

Sa panig ni Valte, inihayag nito na mas “concern” pa umano ang Malacañang sa kalat at basurang iiwan ng mga magtutungo sa naturang programa. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

5 thoughts on “Palasyo, mas ‘concern’ sa basura sa INC rally

  1. Nakakatawa naman si penoy, mas concern sa basura kesa sa mga problema ng bayan, kahirapan, educacion etc. siempre noong humingi ng permit ang inc, kasama na

    ang paghakot ng basura, mas worried sa basura si penoy kesa sa mga mahihirap na kailangan
    pagtuunan ng pansin.

  2. KAHIT GAANO KARAMI ANG DADALONG KAANIB SA IGLESIA NI CRISTO SA GAGAWING PAGTITIPON SA IBA’T-IBANG BAHAGI NG BANSA AY WALA KAYONG MAIREREKLAMONG MAY IIWANG BASURA PAGKATAPOS NITO. WAG NYONG IKUMPARA SA KUNG ANONG ORGANISASYON ANG INC, HINDI KAMI PERWISYO SA LIPUNAN…

  3. WAG KAYONG MAG-ALALA SA BASURA… WALANG LUGAR NA PINAGDAUSAN ANG INC NG PAGTITIPON NA MAY INIWANG BASURA… WAG KAYONG KUKURAP PAGKATAPOS NA PAGKATAPOS NG PAGTITIPON KAHIT SAAN, PAG-ALIS NG KAHULI-HULIHANG MIYEMBRO NG IGLESIA NI CRISTO SA PAGDARAUSAN NG PAGTITIPON, HAKOT NITONG LAHAT ANG BASURANG INAALALA NYO… DI NYO KILALA SA DISIPLINA ANG IGLESIA NI CRISTO.

Leave a Reply

Your email address will not be published.